Panganganak at Papapalaki ng Anak
Abiso
- Una, magpatingin ka sa medikal instisusyon. Kung nalaman mong buntis ka, magsumite ng “Notification of Pregnancy” sa city hall. May mga kailangan para sa pagsusumite, kaya mangyaring tingnan ang website para sa higit pang impormasyon.
https://www.city.funabashi.lg.jp/kodomo/ninshin/001/p002389.html
Kapag magreport ka ng iyong pagbubuntis, makakatanggap ka ng "Handbook sa Kalusugan ng Ina at Bata".
Kasama ng "Handbook ng Kalusugan ng Ina at Bata", bibigyan ka rin ng mga tiket para sa pagchecheckup ng buntis, dental checkup ng buntis, newborn hearing screening test, checkup ng ina pagkatapos nanganak, at checkup ng sanggol.
Kung mayroon kang anumang mga alalahanin sa pagbubuntis, panganganak, at pangangalaga ng bata, maaari kang kumunsulta sa isang pampublikong nars.
Kasabay nito, kung pupunta ang mismong taong buntis sa counter, maaaring mag-aplay para sa regalong suporta sa panganganak (pagbabayad na 50,000 yen). Mangyaring dalhin ang selyo ng taong buntis at ang bankbook.
<Lugar para sa pag-aaplay>
・"Mother and Child Health Handbook Issue Corner" (City Hall 1F)
・Funabashi Station General Counter Center (Face Building 5F)
・Central, Eastern, Northern at Western Health Centers
Iba't ibang mga Programang pang Sustento at mga Benepisyo
- Hindi matatanggap ang child allowance maliban kung ang mga magulang at ang bata mismo ay naninirahan sa Japan.
Pagbalik sa Japan, mangyaring magparehistro muna bilang residente, sa Funabashi City Hall Family Registration at Resident Section.
Sa araw rin ng pagpaparehistro ng residente, mangyaring mag-aplay para sa child allowance.
Pakitandaan na ang aplikasyon ay dapat isumite sa loob ng 15 araw mula sa sumunod na araw ng petsa ng pagpaparehistro bilang residente.
Maaari kang mag-aplay para sa allowance ng bata sa mga sumusunod na lugar.
・City Hall 3F Child Care Benefits Division
・Funabashi Station General Counter Center, winow 14
・Ang bawat sangay na opisina/liaison office
ang mga kailangan
・Certification request form (makakakuha sa window)
・Ordinaryong account passbook ng banko, cash card, o kopya nito (sa pangalan ng mag-aplay)
・Dokumento para sa Identification (ng taong pupunta sa window)
・Dokumento para kompirmahin ang personal number (ng claimant at ng kaniyang asawa)
Maaaring kakailanganin ang iba pa depende sa sitwasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, Childcare Benefits Division, Child Support Section
https://www.city.funabashi.lg.jp/kodomo/teate/001/p020586.html
Telepono: 047-436-2316
Pakitandaan na kung may mali sa aplikasyon at ang allowance ng bata ay labis na nabayaran, kakailanganin mo itong ibalik.
- Sa sumusunod na opisina, maaaring kang kumunsulta ng iba't ibang bagay may kinalaman sa pagbubuntis, panganganak, at pagpapalaki ng anak.
Kung may anumang problema o pag-aalala, huwag solohin ang problema, at mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin.
● Central Health Center Mon-Fri 9am - 5pm (Hindi kasama ang mga holiday at end and new year holidays)
1-16-55 Kitahoncho, Funabashi City, Chiba Prefecture TEL: 047-423-2111
● Eastern Health Center Mon-Fri 9am - 5pm (Hindi kasama ang mga holiday at end and new year holidays)
5-31-1 Yakuendai, Funabashi City, Chiba Prefecture (sa loob ng Social Welfare Hall) TEL: 047-466-1383
● Northern Health Center Mon-Fri 9am - 5pm (Hindi kasama ang mga holiday at end and new year holidays)
7-24-1 Misaki, Funabashi City, Chiba Prefecture (sa loob ng Northern Welfare Hall) TEL: 047-449-7600
● Western Health Center Mon-Fri 9am - 5pm (Hindi kasama ang mga holiday at end and new year holidays) 457-1 Hongo-cho, Funabashi-shi, Chiba (sa loob ng Western Fire and Health Center) TEL: 047-302-2626
● Mother and Child Health Handbook Issuance Corner (City Hall 1st floor) Mon-Fri 9am - 5pm (Hindi kasama ang mga holiday at end and new year holidays) 2-10-25 Minato-cho, Funabashi-shi, Chiba
● Funabashi Station General Counter Center (Face Building 5th floor) 10th counter Maternal and Child Health • Mon-Fri 9am - 8pm (Hindi kasama ang mga holiday at end and new year holidays) • Ika-2 at ika-4 na Sabado at sa sumunod na araw (Linggo) 9am - 5pm
Face Building 5th Floor 1-3-1, Honcho, Funabashi-shi, Chiba TEL: 047-423-3411
● Funabashi City Child-rearing Generation Comprehensive Support Center "Funakoko"
Mon-Fri 10am - 4pm (Hindi kasama ang mga holiday at end and new year holidays) 1-16-55 Kitahoncho, Funabashi City, Chiba TEL 047-411-8250
Kung hindi ka nakakaintindi ng Japanese o gustong magsalita sa sarili mong wika, mangyaring kumunsulta sa Funabashi Multilingual Information Center (available ang 12 wika). Ikokonekta ka namin sa taong naka-in-charge at isasalin sa wika mo.
Telepono: 050-3101-3495 - "Ang sistemang subsidy para sa medikal na gastusin sa mga bata" ay isang sistema na nagbibigay sa mga magulang na gumagastos sa pagpapagamot ng kanilang mga anak, ng subsidiya sa lahat o bahagi ng pang sariling gastos sa mga medikal na paggamot na sakop ng insurance. Ang mga batang hanggang sa senior high school (hanggang sa unang Marso 31 nang maging 18 taong gulang) na nakarehistro bilang residente sa Funabashi City at may health insurance ang maaaring tumanggap ng tulong na ito.
Maaari kang mag-aplay ng "sistemang subsidy para sa medikal na gastusin sa mga bata" sa mga sumusunod na lokasyon.
・City Hall 3F Childcare Benefits Division, Child Support Section
・Funabashi Station General Counter Center, window 14
・Bawat Branch office at Liaison office
Ang mga kailangan
・Form ng Aplikasyon sa pagpaparehistro ng subsidy para sa medikal na gastusin sa mga bata sa Funabashi City (makakuha sa window)
・Insurance card ng bata
・Dokumento para sa Identification (ng taong pupunta sa window)
・Dokumento para kompirmahin ang personal number (ng applicant at ng kaniyang asawa)
・Zerox copya ng pahina ng passport na may litrato ng mukha at entry record (para sa lahat ng foreign guardians na hindi nakarehistro sa Japan sa panahon ng Enero 1)
*Maaaring kakailanganin ang iba pang bagay depende sa sitwasyon.
Para sa higit pang mga detalye, Childcare Benefits Division, Child Support Section sa Funabashi City
https://www.city.funabashi.lg.jp/kodomo/teate/002/p004273a.html
Telepono 047-436-2316
- Ang pagbubuntis at panganganak ay hindi mga sakit. Samakatuwid, hindi ka maaaring gumamit ng segurong pangkalusugan para sa normal na panganganak, at kailangan mong magbayad ng medyo mataas na gastos sa ospital atbp. mag-isa.
Gayunpaman, kung mayroon kang pampublikong insurance, babayaran ka ng "lump-sum childbirth and childcare allowance" pagkatapos manganak, na lubos na makakabawas sa iyong out-of-pocket na gastos.
Para sa mga nahihirapang ihanda nang maaga ang mga gastusin sa panganganak, ang "Direct Payment System" ay magagamit, kung saan direktang binabayaran ng National Health Insurance at ng Health Insurance Society ang lump-sum birth allowance sa ospital. (Kung gagamitin mo ang sistemang ito, hindi direktang matatanggap ng maternity woman ang pera.)
Kung ikaw ay manganganak sa Japan, kahit na mayroon kang maliit na halaga ng pera, ang mga buntis na kababaihan ay maaaring manganak nang may kapayapaan ng isip. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong pinagtatrabahuan o sa bawat sangay ng prefectural ng National Health Insurance Association. - Kung nakatira ka sa Funabashi City at sakop ng National Health Insurance at nanganak, makakatanggap ka ng lump-sum birth at childcare allowance kapag nag-apply.
Ang deadline ng aplikasyon ay dalawang taon mula sa araw pagkatapos ng petsa ng kapanganakan.
Gayunpaman, hindi ka maaaring mag-apply maliban kung ang taong nanganak ay bumalik sa Japan.
Ang mga aplikasyon ay maaari lamang gawin sa National Health Insurance and Pension Division (1st floor, Funabashi City Hall main building).
*Pakitandaan na ang mga aplikasyon ay hindi maaaring tanggapin sa ibang mga counter.
Mga bagay na kailangan para sa aplikasyon
① Birth certificate (orihinal)
② Pagsasalin sa Japanese ng birth certificate
③ Pasaporte ng taong nanganak (orihinal)
④Mga dokumentong nauugnay sa resident registration tulad ng family register at resident card na inisyu ng mga lokal na pampublikong institusyon at Japanese translations *Kinakailangan lamang kung ang bata ay hindi nakarehistro bilang residente ng Funabashi City, tulad ng kung ang bata ay nakatira sa ibang bansa.
⑤ Selyo ng pinuno ng sambahayan/panganganak
⑥ Pagkakakilanlan ng bank account ng pinuno ng sambahayan
⑦ Insurance card
⑧ Form ng aplikasyon para sa pagbabayad ng lump sum para sa panganganak at pangangalaga sa bata (Pakisagutan sa counter ng aplikasyon)
⑨ Form ng pahintulot para sa pagtatanong sa mga lokal na institusyong medikal, atbp. (mangyaring punan ang application counter)
⑩Manwal sa kalusugan ng ina at bata
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang website ng Funabashi City Hall: Kapag nanganganak sa ibang bansa (Lump-sum birth at childcare allowance).
https://www.city.funabashi.lg.jp/kenkou/kokuho/003/p069883.html
Makipag-ugnayan sa: National Health Insurance and Pension Division Telepono 047-436-2395
*Kung naka-enroll ka sa health insurance, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong lugar ng trabaho o sa asosasyon ng health insurance kung saan ka miyembro.
Pasilidad
- Kapag hindi maalagaan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa araw dahil sa trabaho, pagkakasakit, o iba pang dahilan, ang mga nursery school ay mga lugar kung saan ang mga bata mula sa edad na 0 hanggang sa pagpasok nila sa elementarya ay maaaring ipagkatiwala.
Tungkol sa konsultasyon tungkol sa nursery school, tumatanggap kami ng nursery school concierge sa pasukan ng nursery school sa seksyon ng paaralan (ang ikatlong palapag ng pangunahing gusali ng pamahalaan ng city hall).
Hahawakan ito sa mga oras ng pagbubukas ng city hall (9:00 hanggang 17:00 sa mga karaniwang araw).
Mga Tanong Dibisyon ng Pagpasok sa Paaralan ng Nursery (City Hall 3F)
Telepono 047-436-2330 (Japanese lang)
Kung hindi ka nakakaintindi ng Japanese o gustong magsalita sa sarili mong wika, mangyaring kumonsulta sa Funabashi City General Consultation Desk para sa mga Dayuhan (makukuha sa 12 wika). Ikokonekta kita sa Nursery School Admissions Division at magbibigay-kahulugan para sa iyo.
Telepono: 050-3101-3495
Para sa higit pang mga detalye, mangyaring tingnan ang impormasyon tulad ng Funabashi City Office homepage authorization nursery schools.
https://www.city.funabashi.lg.jp/kodomo/hoiku/002/p054896.html
- Mayroong dalawang uri ng mga pasilidad na maaaring gamitin bilang after-school para sa estudyante ng elementarya pagkatapos ng klase.
1. After-school Room: Ito ay isang lugar kung saan maaaring alagaan ang estudyante ng elementarya na wala ang mga magulang sa bahay pagkatapos ng klase dahil sa trabaho, atbp.
Mangyaring mag-apply sa Regional Childcare Support Division.
Regional Childcare Support Division 047-436-2319
(Reference link) Aplikasyon para sa After-school Room pang 2024 [Admisyon mula Mayo]
https://www.city.funabashi.lg.jp/kodomo/support/005/p120956.html
2. Funakko Classroom: Pagkatapos ng klase at sa panahon ng summer vacation, gagamitin ang mga pasilidad ng municipal elementary school para magsagawa ang mga bata ng kanilang sariling mga aktibidad.
Board of Education Youth Division, Community School Cooperation Section
Telepono 047-436-2805
(Reference link) Funakko Classroom (after-school classroom para sa mga bata) Gabay sa paggamit
https://www.city.funabashi.lg.jp/kodomo/support/006/kodomokyoushitu-main.html - Tungkol sa pagpasok sa daycare center, pagkatapos maisumite ng aplikante ang lahat ng kinailangang dokumento, pagpasiyahan sa buwanang pagpupulong na gaganapin ng city kung sino ang makakapasok sa daycare. Sa pagpupulong na ito, ang oras ng pagtatrabaho ng mga magulang at mga kalagayan ng pamilya abtp. ay ikukumberte sa score batay sa mga regulasyon, at mula sa mga may pinakamataas na score, ibig sabihin, ang mga may higit na pangangailangan sa tulong sa pangangalaga ang siyang bibigyan ng priyoridad na gamitin ang daycare center.
Maaaring mag-aplay para sa isang daycare kahit na ang asawang babae ay kasalukuyang naghahanap pa ng trabaho. Gayunpaman, sa mga pagpupulong, ang mga score para sa mga naghahanap pa ng trabaho ang ilalapat sa kaniya, at maaaring mas mababa ito kaysa sa mga nagtatrabaho. Kung mababa ang score, maaaring hindi agad makakapasok ang anak sa daycare center.
Bilang karagdagan, kahit na maaaring nakapasok siya sa isang daycare center habang ikaw ay naghahanap pa ng trabaho, sa loob ng 90 araw mula pumasok siya sa daycare ay kailangan mong magsumite sa city ng isang sertipiko ng trabaho na nagpapatunay na ikaw ay nagtatrabaho ng 64 na oras o higit pa sa isang buwan. Kung hindi mo ito maisumite (kung hindi ka nakahanap ng trabaho), kailangang umalis sa daycare ang anak.
Mga materyales sa pagtuturo
- Maaari mo itong bilhin nang may bayad.
(Kung saan makabili) Maternal and Child Health Research Association (Inilathala ang nilalaman batay sa ordinansa ng the Ministry of Health, Labor and Welfare)
https://www.ecur.co.jp/p/item-list/list/cate_id/1/
(Bayad) 800 yen bawat libro + buwis (sa Hulyo 2024)
(Wika) 10 wika (na may kasamang Japanese)
English, Chinese, Korean, Spanish, Portuguese, Vietnamese, Indonesian, Thai, Tagalog, Nepali
Ang ponograpiya ng pahinang ito ay awtomatikong ipinapakita. Mangyaring tandaan na ang mga pangalan ng mga tao, lugar, at termino ay maaaring hindi ipakita nang wasto.